Home

LSS [LAST SONG SYNDROMES!]

April 15, 2008

OMG! Kakapagod talaga ang araw na ‘to! Nagexam ba naman ako sa St. Dom, [oh yeah, I.T ako, at well, bati na kami ni Sherwin :) …Hehehe.]. Tapos kung anung oras ba naman ngayon, ewan ko! Hehehe. Basta alam ko, may last song syndromes ako. Well, anu-anu nga ba ang mga Last Song Syndromes ko? Ahehehe.

 May mga songs ako na idededicate kay Sherwin:

(Eto ‘yung ilan)

You and Me

all of the things that I want to say
just aren’t coming out right
I’m tripping inwards
you got my head spinning
though I don’t know where to go from here

cause it’s you and me and all of the people
with nothing to do, nothing to prove
and it’s you and me and all of the people
and I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you

there’s something about this girl
I can’t quite figure out
everything she does is beautiful
everything she does is right

and it’s you and me and all of the people
with nothing to do and nothing to lose
and it’s you and me and all of the people
and I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you
and me and all of the people
with nothing to do and nothing to prove
and it’s you and me and all of the people
and I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you

what day is it
and in what month
this clock never seems so alive
I can’t keep up
and I can’t back down
I’ve been losing so much time

Bye Bye Beautiful

Your eyes tell the stories of a day you wish you could
Recall the moments that once have
Retrack the footsteps that brought us to this favor
I wouldn’t ask this of you

Good eye, sniper
Here I’ll shoot, and you run
The words you scribbled on the walls
The lots of friends you didn’t have
I’ll call you when the time is right
Are you in or are you out?
For them all to know the end of us all

Run quick, they’re behind us
Didn’t think we’d ever make it
This close to safety in one piece
Now you wanna kill me in the act of what could maybe
Save us from sleep and what we are

Good eye, sniper
Now I shoot, you run
The words you scribbled on the walls
The loss of friends you didn’t have
I’ll call you when the time is right
Are you in or are you out?
For them all to know the end of us all

Bye bye beautiful
Don’t bother to write
Disturbed by your words and they’re calling all cars
Face step, let down.
Face step, step down.

The words you scribbled on the walls
The loss of friends you didn’t have
I’ll call you when the time is right
Are you in or are you out?
For them all to know

Bye bye beautiful
Don’t bother to write
Disturbed by your words and they’re calling all cars
Face step, let down.
Face step, step down.

Bye bye beautiful
Don’t bother to write
Disturbed by your words and they’re calling all cars
Face step, let down.
Face step, step down.

 

 

 

Posted by chazzelislife at 12:25 am | permalink | Comments Off

PINIPILIT KO…

April 12, 2008

Pinipilit kong abutin ka. Pinipilit kong maging compatible tayo. Pinipilit ko na maging mabuting girlfriend sa’yo pero I know I am not enough. Kailangan mo siguro ng girlfriend na: marunong manigarilyo, Lady Triskelion, iintindihin ka sa bawat moves na gagawin mo sa buhay mo, hindi ka ijajudge sa mga ginagawa mo at higit sa lahat - mamahalin ka unconditionally. Oo, akala mo lang ako ‘yun, pero hindi pala. Matagal na relasyon natin, magdadalawang taon na nga tayo eh. Madami na tayong mga pinagdaanan pagsubok sa relasyon natin–and happy naman ako sa naging outcome. Dahil sa mga problemang ito, tumatag ang relasyon natin. Pero may mga bagay pala na hindi tayo nagkakaintindihan. Ewan ko ba, pinipilit ko na maging ikaw. Pinipilit ko na abutin ka. Pero parang ang hirap mo abutin. Parang sa totoo lang, mas mahalaga talaga sila sa’yo kahit hindi mo man aminin sa akin. Hindi naman kasi talaga kita masisisi. Mas open ka sa kanila, mas nagagawa mo ‘yung gusto mo sa harap nila na hindi ka nila pinagiisipan ng kung anu-anu. Tama naman ako di’ba? Nakaw! Alam kong hindi ko sila dapat pagselosan. Sa katunayan nga, okay naman talaga silang kasama eh. Okay sila nung nakausap ko. At sabi pa nga nung isa, malawak ‘daw ang isip ko. Hindi naman talaga totoo yun di’ba? I’m just an immature girl trying hard to be a grown-up pero hindi naman talaga. Hehe. Nakakatawa talaga ako. Sa totoo lang, wala na nga akong mukhang maihaharap sa iyo. Wala na ‘din akong maihaharap na mukha sa mga brad mo. Iniisip din siguro nila, na trying hard ako. Gusto lang naman talaga kita abutin eh. Nagyoyosi ako kahit naman talaga ako marunong, para lang masabi mo na kabonding mo yung GF mo. Sa kagustuhan ko na huwag kang humanap ng iba, ginawa ko yun, kasi sa sobrang pagmamahal ko. Pero napagod ako, kung ako na mismo pala ‘yung nahihirapan. Kung sarili ko na pala ‘yung nasasaktan ko. TAMA NA! AYOKO NA! Pagod na ako maging anino mo lang. Magkakaroon naman ako ng sariling desisyon sa buhay, tulad nga ng sinabi mo. Oo, gagawin ko ‘yun. Mahal ko naman ang sarili ko. Gusto ko naman maging selfish kahit papaano. Ayoko ng humabol sa’yo. Gusto ko ikaw naman, dahil dati na ako nasasaktan. Hay, mamaya ba susunod ba ako sa St. Dom sa’yo? HATE THAT I LOVE YOU.

Posted by chazzelislife at 12:00 am | permalink | Comments Off

EMO. EMO. EMO

April 10, 2008

Emo. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging Emo? Ang ibig sabihin ‘daw ng Emo ay "Emotional". Sa iba, ang Emo daw eh ‘yung may mga one-sided hair na natatakpan ang kanilang mga mata na napakahaba ng bangs at maikli sa likod. Ang mga outfits nila ay ang mga super skinny jeans, tight t-shirts, mga studded belts at mga body piercings. Well, that’s Emo. At kapag ugali naman ‘daw ang pinaguusapan sa Emo, sila ‘yung tipo na umiiyak kahit wala namang dahilan, naglalaslas kapag broken heart and the last thing is, THEY HATE THE WORLD. Sabi naman sa akin ni Sherwin (my boyfriend), ayon daw sa Psychology subject nila, ang Emo ‘daw ay sakit. Sa tingin ko naman talaga ay sakit iyon. Ewan ko kung bakit gusto nilang mamatay ng dahil lang sa galit nila sa mundo? At hindi ko ‘din talaga alam kung bakit kahit saan ako lumingon, mapa-mall, mapa-tindahan, mapa-bus at mapa-school namin, lahat sila ay Emo! It’s like, Emo is a trend na! Bakit kaya hindi na lang sila mag-Gothic? Sabagay, mahirap naman talaga panindigan ang pagiging Gothic. At, yung ibang tao, hindi ‘rin naman makakaintindi kung Gothic porma mo. Baka sabihin na kahit hindi naman Halloween eh nagpapaka-Halloween ka. Pero para sa akin, mas astig naman talaga ang Goth. Sabihin na natin na dati, trip ko ang Emo pero ngayon? Hindi na. Ang dami na kasing posers eh. Hindi naman Emo, nagpapaka-emo masabi lang na "in" sila. Sa sobrang init ba naman ng summer ngayon, poporma pa sila? Simple na lang kasi ako pumorma ngayon eh. Tinapon ko na ata ang mga black t-shirts ko at nagpakasimple na lang ako. That Emo trend is so 2006! Sa mga Emo na makakabasa nito, peace tayo. Sa akin eh, opinyon ko lang naman ang sinulat ko dito. Wala naman masama di’ba?

 Pero anyway, gumawa ako ng mga linya ng mga Emo (yung iba, nakikita ko lang):

 "Fix me, I’m broken…"

"Even heaven is hell without you…"

"I don’t need to prove myself to anyone…"

"I’m broken…"

"My heart is bleeding… Can you heal the wound?"

"My heart is totally shattered, can you find the pieces?"

"I’m so close to dying…"

"I’ll die for you…"

Oh ha! Iyan lamang ang ilan sa mga ‘common emo lines’ na nababasa ko sa Friendster. :)

So to all the Emos out there, Rock on! Hehehe. Ala lang, wala akong magawa. Pero hindi ako Emo huh. Hindi talaga.

Posted by chazzelislife at 4:50 pm | permalink | View this entry

INUMAN SESSIONS

April 8, 2008

Hay, grabe, nagpunta ako kanina ng aking future college - ang St. Dominic College of Arts and Sciences. Pinuntahan ko kasi ang aking mahal na si Sherwin. Wala lang, gusto ko lang kasi siya makita. Sayang nga lang, hindi ko nasuot ‘yung skate shoes ko nun. Hehe. Gusto ko pa naman sanang parehas kaming naka-skate shoes ni Sherwin eh. D.C sa ‘kin, Vans ‘yung sa kanya. Well, pinakilala niya ako sa ibang mga brothers niya sa fraternity niya –Ang Tau Gamma Phi. Siyempre, ang lola ninyo, medyo nasha-shy pa. Ayun, nandun ‘yung GT nila na si Vic (GT stands for Grand Triskelion). Pati ‘yung mga iba pa niyang brod. Nadatnan ko, may gulo. Nag-aaway kasi si Vic pati ‘yung girlfriend niya. Eh pareho silang lasing. Tapos ‘yung ibang brod ni Sherwin,si Kel, (alexis niya lang yun), pati ‘yung girlfriend niya ay nag-aaway ‘din. Nagmumurahan pa nga. So, eto na naman ang lola niyo, tahimik sa isang tabi. Pinapakiramdaman ang away. Siyempre, ayokong masibat doon. So here comes two of Sherwin’s brods na kumausap sa akin. So may inuman lagi ‘dun sa tambayan na ‘yun which we call ‘Green House’. That time, Gran Matador Brandy ang iniinom nila sabay iced tea ang chaser. Bilang pakikisama, siyempre, shashot ka ‘din kahit papaano. Kakausapin ‘yung mga brod ni Sherwin. Okay naman sila kausap. Masaya kahit maingay. Open-minded sila sa lahat ng bagay. ‘Yun ang gusto ko eh. Open-minded talaga. ‘Yung hindi ka huhusgahan kapag nakatalikod ka kung anumang opinyon ‘yung gusto mong ibigay. At ako, bilang isang taong may gusto pang patunayan bukod sa Journalism, ay ninanais na sumali sa Tau Gamma Sigma Grand Sorority. At sasali ako dun. Hindi ako mamamatay ng hindi ako sasali dun. Sinabi ko na ‘din sa mga brod ni Sherwin na habang nag-iinuman kami, ang hinihintay ko na lang, para mabaptize na ako sa sorority na sasalihan ko ay ang approval niya. Hanga daw sila sa akin, kasi nirerespeto ko ang isang Triskelion na katulad ni Sherwin. Ipinaliwanag ‘din nila kay Sherwin na bilang isang Triskelion, na my freewill, at katulad ko na ordinaryong tao pero may freewill din, dapat hindi maging unfair. Dapat na suportahan ako ni Sherwin sa kung anumang landas na gusto kong tahakin. At oo, sa college life ko, sasali ako at sa June, ibabaptize na ako bilang Neophyte, at soon, after two months, magiging Lady Triskelion na ako. I just can’t wait. :)

Posted by chazzelislife at 7:37 pm | permalink | Comments Off

GAGRADUATE NA AKO. TWO DAYS NA LANG.

April 2, 2008

  Kabibigay lang sa amin ng toga kahapon. Medium/Medium size pa ang kinuha ko. Buti na lang at nagkasya. Akala ko hindi eh. Well, try to take a look sa toga ko.

Ang laki ng ulo ko no? Actually, kasya naman yan sa akin, pati ‘yung robe. Hay, mamimiss ko talaga ang high-school life. Paano ba naman, sa high-school life ako natuto ng lahat-lahat ng dapat matutunan ng isang teenager. St. Mary Magdalene School na ang aking naging second home ever since na Kindergarten ako. So that counts 11 years of being a Magdalenean. May Loyalty Award nga ako sa Graduation namin eh. Bukod pa doon, meron akong two awards sa campus journalism. Yung Gloria Macapagal Arroyo Achievement Award in Culture and Arts at ‘yung Award of Recognition in Campus Journalism. Apat kami doon. Ang saya kasi aakyat ako ng stage kasama ang tatlong may honors. Hindi naman kasi talaga ako masipag mag-aral eh. I want leisure than studies you know. Interested din ako sa visual arts at literature. Asahan mo na kapag English fest, nandoon ako. Namamayagpag ang pangangalan ko tuwing English fest. Nakakauta nga lang talaga ang Graduation practice pati ang practice ng Baccalaureatte Mass. Nakakainis. Ginagawa ba naman kaming kinder? Pero okay lang. Kahit mainit, sige na ‘rin. Tsaka nakipagbati na ‘rin ako sa dati kong kinaiinisan na classmate kasi narealize ko na wala naman pala talagang dahilan para magalit ako sa kanya. Lahat ng iyon ay dahil sa graduation practice. Pero salamat, tapos na ‘rin ang practice kasi minsan, bago ako umalis ng bahay, nakakalimutan ko magsun block. Minsan, wala pa akong dalang payong. Naisip ko ngang magtrip nung graduation practice. I love sunshine kasi. Eto nga ‘yung pic ko oh:

Nagustuhan ko ‘yung shot kaya naisip kong isave.

Pero ang maganda dito, two days na lang gagraduate na ako.

HINDI NA AKO MAKAPAGHINTAY ;]

Posted by chazzelislife at 6:54 pm | permalink | Comments Off

HERE COMES BATMAN AT SUPERMAN AGAIN!

Grabe ang araw na ito mga repapipz! Biruin mo ba naman, nagkaaminan na ang Tropang Hep_Hep (Hooray!) sa mga nagawa naming kasalanan sa isa’t-isa dahilan para maiwang baon na baon at lugmok sa kahirapan sina Batman at Superman.  BUTI NGA SA KANILA.

Ang sama-sama talaga nina Batman at Superman. Tsktsktsk. Hindi ko akalain na nagpatuloy kami sa mga bahay namin ng mga Anaconda na katulad nila. Actually, sa amin lang naman talaga lumaki sina Batman at Superman kasi kung doon sila tatambay sa bahay ng isa’t isa, eh malamang wala silang makukuhang benefits. Walang Chibog. Walang Internet. Walang Magic Sing. Wala silang load. Wala lahat. Buti naman at nabuksan na namin ang mga mata ni Flash sa katotohanan. May gusto kasi si Flash kay Bubbles–at kalimitan, laging magkatext sina Flash at Bubbles. Close na close kasi silang dalawa. Siguro, sa kakaasar namin, doon nadevelop si Flash para sa feelings niya kay Bubbles. Si Superman, sa kadahilanang lagi siyang walang load, alam naman natin ang ugali niya na nakikitext sa kanyang tropa kapag unli. At dahil alam ni Superman na magkatext sina Flash at Bubbles, umandar na naman ang kademonyohan ni Superman. Pinasama niya ang karakter ni Bubbles. Pinalandi. Sabi ay gusto ng makipagusap ni Bubbles kay Flash at sabi ay magkita ‘daw sila sa park. Ahem, katunayan, hindi naman talaga ganun si Bubbles. Hindi siya ang gumagawa ng first move. Kaya eto namang si Flash, nadala sa emosyon at doon na nagtuloy ang usapan. Hindi niya alam na si lukaret na Superman na pala ang katext niya. How rude, di’ba? Kaya from that day on, napahiya si Flash kay Bubbles dahilan para hindi sila magpansinan ever! At isa pang kalokohan ni Superman, may ibinigay kasi si Storm na textmate kay Bubbles. Eh di’ba nga sa sobrang kakapalan ni Superman, lagi siyang nakikitext kay Bubbles? Ayon, nireplayan ni Superman yung textmate ni Bubbles at dahil nga sa sobrang kademonyohan ay kung anu-anu ang pinagsasasabi niya sa katextmate ni Bubbles dahilan para mapasama na naman si Bubbles. At how dare them na tawaging ‘mama’ ang maganda at baby face na mukha ni Bubbles? Eh samantalang kayna Bubbles sila nakikitext, nakikikain at nakikihiga sa mga times na wala silang mapuntahan? Ang gaspang, grabe!

At oo, talagang sasama ang tingin ninyo kayna Batman at Superman kung talagang malaman niyo kung anung klaseng tao ba talaga sila. Sinasabihan nina Batman at Superman na may body odor daw si Storm samantalang ang tunay na salarin kapag mapanghi ang hangin ay si Superman! Si Superman at wala ng iba! Tama! Napakabaho kasi talaga ng kilikili ni Superman at talagang napakabaho ng buhok niya. Grabe ang powers ng anghit ni Superman, mga tsong! Ibang klase! Kahit ‘ata deodorant eh, hindi effective. At ang kapal naman talaga ng mukha ni Superman na sabihan niya si Storm na traydor eh samantalang siya nga ‘yun, hindi ba? Hay naku, si Superman talaga, napakahilig mambaliktad.

At eto pa, dati kasi ay may gumawa sa amin ng kabalbalang Friendster account. Ang name ng account na ito ay orig. So, that means, may orig soriano (sa akin yun), may orig wonderwoman at may orig superman. Oo, pati si Superman ay ginawan ‘din ng account. At isang beses ay kausap ni Superman si Storm sa phone. At ang conversation nila ay ganito:

"Sa tingin mo, kung may gagawa sa tropa nun, sino kaya yun?" tanong ni Storm.

"Edi sino pa, tingin ko si Chazzel."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Kasi inggit siya sa akin kasi ako marami akong papa. At inggit siya kay Wonderwoman kasi maganda. At alam ko naman, sa sobrang talino niya gagawa siya ng mga bagay na hindi halata. Malulusutan niya yun."

At yun pala! Kaya pala napansin ko na medyo dumistansiya sa akin sina Wonderwoman, Storm at Bubbles ng dahil sa kagagawan ni Superman. Oh baka nga siya pa ang gumawa nun? Eh mahilig naman kasi siya mambaliktad, di’ba? Anung klaseng ugali mayroon si Superman?

At mapunta naman tayo kay Batman. It’s summer na hindi ba? At ang init-init talaga! Kaya ako, napagpasiyahan ko magsleeveless. At biruin mo ba naman itong si Batman, nainggit na naman sa porma ko palibhasa wala siyang pamporma dahil ang baduy-baduy ng mga sinusuot niyang damit. Kamusta naman yun? At kinocodename niya akong braso de mercedez, kasi kung bakit ang kapal ko daw eh nagsusuot pa ako ng ganoon. Haha! Kung makikita niyo lang siya kung gaano siya kabaduy. To tell you the truth, nagmumukha na siyang matanda sa mga porma niya. Akala mo kung sinung pagkaganda-ganda eh mukhang duling naman.

Hay naku, mga friends, saan ba naman kayo nakatagpo ng mga ‘kaibigan’ na katulad nina Batman at Superman? Only in the Philippines lang ‘yan! Kaya kung ako, magiingat na ako sa susunod na pakikipagkaibigan ko. At eto lang naman ang maimemensahe ko kayna Batman at Superman,

MAGHANAP KAYO NG MGA KAIBIGANG MAUUTO NINYO AT TIGNAN LANG NATIN KUNG MAY TATANGGAP PA AT MAGTITIYAGA SA UGALI NINYONG MAS MAITIM PA AT MAS MABAHO PA SA KANAL. PALIBHASA KASI DULING NA SAKANG SI BATMAN AT MAY BODY ODOR NA MALUPET SI SUPERMAN.

Posted by chazzelislife at 6:46 pm | permalink | View this entry

UY PATEXT, PATAWAG, PAHIGA, PATAMBAY, PAKAIN, PAMAGIC SING, PATULONG…[KAIBIGAN KA BA?]

April 1, 2008

"Uy Wonderwoman,  patext naman ako,"

 Siyempre, anu pa ba ang magagawa ni Wonderwoman? Alam naman kasi nung dalawang ‘yun na kakaunli niya lang kaya hindi talaga makapalag ang aking kaibigan. Bigay ang cellphone, para tumigil na sa kakakawag. Sino lang ba ang mga tinetext? Mga boyfriend lang nila, o puwede mo na ‘din sabihin na kabit. Sa totoo lang, akala mo inosente de ti sina Batman at Superman pero may tinatago din palang kakaiba.

Marami ka naman kasi talagang magagawa ‘din sa bahay ni Wonderwoman, bukod pa sa pagtetext. Mabait ang mommy niya, masarap ang mga chibog na handa nila at ang ACER Laptop nila ay naka-DSL pa. Oh san ka pa, di’ba? Since etong sina Batman at Superman ay wala namang mga personal computers sa bahay at minsan lang talaga magbukas ng kanilang Friendster account, at siyempre andun ka na lang din sa bahay ng kaibigan mong de-DSL mode, bakit hindi ka na lang makigamit? Kaya eto pa ang isang motto nung dalawang "superheroines";

 "Uy, wonderwoman, pabukas naman ako ng friendster ko," wika ni Batman.

At siyempre, maaari bang hindi sumingit si Superman? Bah, hindi ‘ata yun papatalo! "Uy, Batman, ako ang sunod ha!"

 At kapag ang tropa namin ay sa lungga naman namin tumatambay,  hindi ‘rin mawawala ang word na "pa-" para kayna Batman at Superman. Since kami ‘din ay may DSL, pero hindi nga lang kasing bilis ng kayna Wonderwoman, hindi pa ‘rin papaawat ang dalawa sa mga peyboritong motto nila.

"Uy, Chaz, pa-internet naman!"

 At ako, ang Diyosa ng blog na ito, ay walang magagawa kung hindi magpaubaya at bigyan ang gusto ng aking mga "kaibigan". At eto pa, ako pa ang nagpahiram kay Superman ng gown niya nung prom night namin, with matching alahas pa, oh san ka pa? At kung kay Batman naman, yung sapatos ko, hiniram niya. To tell you the truth, ang pangit ni Batman nung JS! Hindi match ang gown sa accessories, praaameeesss…

At kung in terms of academic things naman, inaasahan din ako ni Batman since kami ay magkaklase ever since nasa first year high-school ako. At ang motto?

 "Uy, Chaz, pa-tulong naman!"

Tulong gawa project. Tulong pasa quiz. Tulong sagot recitation. Tulong pasa sa teacher. At voila! WALANG REMEDIAL SI BATMAN!

At kapag relaxation na ang pinag-uusapan, hindi mawawala ang mga "pa-" words nina Batman at Superman. May mga oras din na tumatambay ‘din kami sa bahay nina  Bubbles, since malapit lang din naman ang bahay namin kayna Bubbles. Walking distance lang. Sina Bubbles ay kumpleto ‘din naman sa kagamitan. May PC, PSP, Magic Sing at in fairness, masasarap ang chibog at may air bed ka pa kung gusto mong ma-relax ang iyong mga muscles. Pero ‘yung ibang tropa (aba’y siyempre kasama na ‘din ako doon), nahihiya sa maders ni Bubbles kaya prim and proper lang ‘din kami kapag nasa kanila. Pero sina Batman at Superman, ang gagaspang talaga! At siyempre, since sina Bubbles ay may PSP, maririnig mo ang peyborit motto nina Batman at Superman.

"Uy, Bubbles, pa-laro naman sa PSP!" wika ni Superman.

At dahil noong mga oras na iyon ay pagod na pagod si Batman dahil sa lumalagablab na init sa labas, at dahil alam niya na may air bed sina Bubbles, maririnig mo ‘din ang motto niya.

"Uy, Bubbles, pa-higa naman sa air bed niyo!"

At gutom na gutom na ‘din noon sina Batman at Superman.

"Uy, Bubbles, pa-kain naman!"

Hay naku, Chazzel at ang iyong mga tropa. Hinga. Huminga lang kayo ng malalim. Oo nga’t, parehas silang galing sa broken family, pero abusado na sila. As of our vocabulary, we call them ‘USERS. LIARS. ABUSERS’. Tama lang naman iyon para sa kanila. Pagkatapos ng lahat ng naitulong niyo ng mga Justice League sa buhay nila, aba wapakels na lang sila? Kakapal ng mukha ng mga sisterettes na iyon.

Hay, Batman at Superman, TAPOS NA ANG MGA MALILIGAYANG ARAW NINYO DAHIL MAYROON ‘DIN KAMING SASABIHIN NG JUSTICE LEAGUE SA INYO:

"Uy Batman at Superman, pa-layo naman sa amin. Abusado na kayo eh."

 

Posted by chazzelislife at 10:14 pm | permalink | Comments Off

     

July 2010
M T W T F S S
« Apr    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Monthly Archives

Sponsored Links

About Me

Hi! I'm Chazzel Soriano, or call me 'Chaz' for short. I'm a simple 16-year old girl residing in Kawit, Cavite almost all my life. Writing is one of my passions [and visual arts is also included in that, you know] and I've been interested in it since--well, like, forever. I always idolized William Shakespeare, Bob Ong and the great Mindtwist team for producing such an experimental way of photography. I wish I could learn more about using the Adobe CS 2.0 for that matter. I am also a music fan--Well, I like bands. I like any genres except for hip-hop and those cheesy melodramatic pop songs. If you wanna know more about me [much as I wanna know more about you, too] then you can add me up in my friendster account: exday_211@yahoo.com.ph.

Recent Photo

Message Board

mackie javier:

ate, sigma k nb ?

chazzelislife:

I NEED FRIENDS. hehe. i’m kinda’ new here. XD

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼