GAGRADUATE NA AKO. TWO DAYS NA LANG.
April 2, 2008Kabibigay lang sa amin ng toga kahapon. Medium/Medium size pa ang kinuha ko. Buti na lang at nagkasya. Akala ko hindi eh. Well, try to take a look sa toga ko.
Ang laki ng ulo ko no? Actually, kasya naman yan sa akin, pati ‘yung robe. Hay, mamimiss ko talaga ang high-school life. Paano ba naman, sa high-school life ako natuto ng lahat-lahat ng dapat matutunan ng isang teenager. St. Mary Magdalene School na ang aking naging second home ever since na Kindergarten ako. So that counts 11 years of being a Magdalenean. May Loyalty Award nga ako sa Graduation namin eh. Bukod pa doon, meron akong two awards sa campus journalism. Yung Gloria Macapagal Arroyo Achievement Award in Culture and Arts at ‘yung Award of Recognition in Campus Journalism. Apat kami doon. Ang saya kasi aakyat ako ng stage kasama ang tatlong may honors. Hindi naman kasi talaga ako masipag mag-aral eh. I want leisure than studies you know. Interested din ako sa visual arts at literature. Asahan mo na kapag English fest, nandoon ako. Namamayagpag ang pangangalan ko tuwing English fest. Nakakauta nga lang talaga ang Graduation practice pati ang practice ng Baccalaureatte Mass. Nakakainis. Ginagawa ba naman kaming kinder? Pero okay lang. Kahit mainit, sige na ‘rin. Tsaka nakipagbati na ‘rin ako sa dati kong kinaiinisan na classmate kasi narealize ko na wala naman pala talagang dahilan para magalit ako sa kanya. Lahat ng iyon ay dahil sa graduation practice. Pero salamat, tapos na ‘rin ang practice kasi minsan, bago ako umalis ng bahay, nakakalimutan ko magsun block. Minsan, wala pa akong dalang payong. Naisip ko ngang magtrip nung graduation practice. I love sunshine kasi. Eto nga ‘yung pic ko oh:
Nagustuhan ko ‘yung shot kaya naisip kong isave.
Pero ang maganda dito, two days na lang gagraduate na ako.
HINDI NA AKO MAKAPAGHINTAY ;]




