INUMAN SESSIONS
April 8, 2008Hay, grabe, nagpunta ako kanina ng aking future college - ang St. Dominic College of Arts and Sciences. Pinuntahan ko kasi ang aking mahal na si Sherwin. Wala lang, gusto ko lang kasi siya makita. Sayang nga lang, hindi ko nasuot ‘yung skate shoes ko nun. Hehe. Gusto ko pa naman sanang parehas kaming naka-skate shoes ni Sherwin eh. D.C sa ‘kin, Vans ‘yung sa kanya. Well, pinakilala niya ako sa ibang mga brothers niya sa fraternity niya –Ang Tau Gamma Phi. Siyempre, ang lola ninyo, medyo nasha-shy pa. Ayun, nandun ‘yung GT nila na si Vic (GT stands for Grand Triskelion). Pati ‘yung mga iba pa niyang brod. Nadatnan ko, may gulo. Nag-aaway kasi si Vic pati ‘yung girlfriend niya. Eh pareho silang lasing. Tapos ‘yung ibang brod ni Sherwin,si Kel, (alexis niya lang yun), pati ‘yung girlfriend niya ay nag-aaway ‘din. Nagmumurahan pa nga. So, eto na naman ang lola niyo, tahimik sa isang tabi. Pinapakiramdaman ang away. Siyempre, ayokong masibat doon. So here comes two of Sherwin’s brods na kumausap sa akin. So may inuman lagi ‘dun sa tambayan na ‘yun which we call ‘Green House’. That time, Gran Matador Brandy ang iniinom nila sabay iced tea ang chaser. Bilang pakikisama, siyempre, shashot ka ‘din kahit papaano. Kakausapin ‘yung mga brod ni Sherwin. Okay naman sila kausap. Masaya kahit maingay. Open-minded sila sa lahat ng bagay. ‘Yun ang gusto ko eh. Open-minded talaga. ‘Yung hindi ka huhusgahan kapag nakatalikod ka kung anumang opinyon ‘yung gusto mong ibigay. At ako, bilang isang taong may gusto pang patunayan bukod sa Journalism, ay ninanais na sumali sa Tau Gamma Sigma Grand Sorority. At sasali ako dun. Hindi ako mamamatay ng hindi ako sasali dun. Sinabi ko na ‘din sa mga brod ni Sherwin na habang nag-iinuman kami, ang hinihintay ko na lang, para mabaptize na ako sa sorority na sasalihan ko ay ang approval niya. Hanga daw sila sa akin, kasi nirerespeto ko ang isang Triskelion na katulad ni Sherwin. Ipinaliwanag ‘din nila kay Sherwin na bilang isang Triskelion, na my freewill, at katulad ko na ordinaryong tao pero may freewill din, dapat hindi maging unfair. Dapat na suportahan ako ni Sherwin sa kung anumang landas na gusto kong tahakin. At oo, sa college life ko, sasali ako at sa June, ibabaptize na ako bilang Neophyte, at soon, after two months, magiging Lady Triskelion na ako. I just can’t wait.


