EMO. EMO. EMO
April 10, 2008Emo. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging Emo? Ang ibig sabihin ‘daw ng Emo ay "Emotional". Sa iba, ang Emo daw eh ‘yung may mga one-sided hair na natatakpan ang kanilang mga mata na napakahaba ng bangs at maikli sa likod. Ang mga outfits nila ay ang mga super skinny jeans, tight t-shirts, mga studded belts at mga body piercings. Well, that’s Emo. At kapag ugali naman ‘daw ang pinaguusapan sa Emo, sila ‘yung tipo na umiiyak kahit wala namang dahilan, naglalaslas kapag broken heart and the last thing is, THEY HATE THE WORLD. Sabi naman sa akin ni Sherwin (my boyfriend), ayon daw sa Psychology subject nila, ang Emo ‘daw ay sakit. Sa tingin ko naman talaga ay sakit iyon. Ewan ko kung bakit gusto nilang mamatay ng dahil lang sa galit nila sa mundo? At hindi ko ‘din talaga alam kung bakit kahit saan ako lumingon, mapa-mall, mapa-tindahan, mapa-bus at mapa-school namin, lahat sila ay Emo! It’s like, Emo is a trend na! Bakit kaya hindi na lang sila mag-Gothic? Sabagay, mahirap naman talaga panindigan ang pagiging Gothic. At, yung ibang tao, hindi ‘rin naman makakaintindi kung Gothic porma mo. Baka sabihin na kahit hindi naman Halloween eh nagpapaka-Halloween ka. Pero para sa akin, mas astig naman talaga ang Goth. Sabihin na natin na dati, trip ko ang Emo pero ngayon? Hindi na. Ang dami na kasing posers eh. Hindi naman Emo, nagpapaka-emo masabi lang na "in" sila. Sa sobrang init ba naman ng summer ngayon, poporma pa sila? Simple na lang kasi ako pumorma ngayon eh. Tinapon ko na ata ang mga black t-shirts ko at nagpakasimple na lang ako. That Emo trend is so 2006! Sa mga Emo na makakabasa nito, peace tayo. Sa akin eh, opinyon ko lang naman ang sinulat ko dito. Wala naman masama di’ba?
Pero anyway, gumawa ako ng mga linya ng mga Emo (yung iba, nakikita ko lang):
"Fix me, I’m broken…"
"Even heaven is hell without you…"
"I don’t need to prove myself to anyone…"
"I’m broken…"
"My heart is bleeding… Can you heal the wound?"
"My heart is totally shattered, can you find the pieces?"
"I’m so close to dying…"
"I’ll die for you…"
Oh ha! Iyan lamang ang ilan sa mga ‘common emo lines’ na nababasa ko sa Friendster.
So to all the Emos out there, Rock on! Hehehe. Ala lang, wala akong magawa. Pero hindi ako Emo huh. Hindi talaga.


