PINIPILIT KO…
April 12, 2008Pinipilit kong abutin ka. Pinipilit kong maging compatible tayo. Pinipilit ko na maging mabuting girlfriend sa’yo pero I know I am not enough. Kailangan mo siguro ng girlfriend na: marunong manigarilyo, Lady Triskelion, iintindihin ka sa bawat moves na gagawin mo sa buhay mo, hindi ka ijajudge sa mga ginagawa mo at higit sa lahat - mamahalin ka unconditionally. Oo, akala mo lang ako ‘yun, pero hindi pala. Matagal na relasyon natin, magdadalawang taon na nga tayo eh. Madami na tayong mga pinagdaanan pagsubok sa relasyon natin–and happy naman ako sa naging outcome. Dahil sa mga problemang ito, tumatag ang relasyon natin. Pero may mga bagay pala na hindi tayo nagkakaintindihan. Ewan ko ba, pinipilit ko na maging ikaw. Pinipilit ko na abutin ka. Pero parang ang hirap mo abutin. Parang sa totoo lang, mas mahalaga talaga sila sa’yo kahit hindi mo man aminin sa akin. Hindi naman kasi talaga kita masisisi. Mas open ka sa kanila, mas nagagawa mo ‘yung gusto mo sa harap nila na hindi ka nila pinagiisipan ng kung anu-anu. Tama naman ako di’ba? Nakaw! Alam kong hindi ko sila dapat pagselosan. Sa katunayan nga, okay naman talaga silang kasama eh. Okay sila nung nakausap ko. At sabi pa nga nung isa, malawak ‘daw ang isip ko. Hindi naman talaga totoo yun di’ba? I’m just an immature girl trying hard to be a grown-up pero hindi naman talaga. Hehe. Nakakatawa talaga ako. Sa totoo lang, wala na nga akong mukhang maihaharap sa iyo. Wala na ‘din akong maihaharap na mukha sa mga brad mo. Iniisip din siguro nila, na trying hard ako. Gusto lang naman talaga kita abutin eh. Nagyoyosi ako kahit naman talaga ako marunong, para lang masabi mo na kabonding mo yung GF mo. Sa kagustuhan ko na huwag kang humanap ng iba, ginawa ko yun, kasi sa sobrang pagmamahal ko. Pero napagod ako, kung ako na mismo pala ‘yung nahihirapan. Kung sarili ko na pala ‘yung nasasaktan ko. TAMA NA! AYOKO NA! Pagod na ako maging anino mo lang. Magkakaroon naman ako ng sariling desisyon sa buhay, tulad nga ng sinabi mo. Oo, gagawin ko ‘yun. Mahal ko naman ang sarili ko. Gusto ko naman maging selfish kahit papaano. Ayoko ng humabol sa’yo. Gusto ko ikaw naman, dahil dati na ako nasasaktan. Hay, mamaya ba susunod ba ako sa St. Dom sa’yo? HATE THAT I LOVE YOU.


