Home » Tags

UY PATEXT, PATAWAG, PAHIGA, PATAMBAY, PAKAIN, PAMAGIC SING, PATULONG…[KAIBIGAN KA BA?]

April 1, 2008

"Uy Wonderwoman,  patext naman ako,"

 Siyempre, anu pa ba ang magagawa ni Wonderwoman? Alam naman kasi nung dalawang ‘yun na kakaunli niya lang kaya hindi talaga makapalag ang aking kaibigan. Bigay ang cellphone, para tumigil na sa kakakawag. Sino lang ba ang mga tinetext? Mga boyfriend lang nila, o puwede mo na ‘din sabihin na kabit. Sa totoo lang, akala mo inosente de ti sina Batman at Superman pero may tinatago din palang kakaiba.

Marami ka naman kasi talagang magagawa ‘din sa bahay ni Wonderwoman, bukod pa sa pagtetext. Mabait ang mommy niya, masarap ang mga chibog na handa nila at ang ACER Laptop nila ay naka-DSL pa. Oh san ka pa, di’ba? Since etong sina Batman at Superman ay wala namang mga personal computers sa bahay at minsan lang talaga magbukas ng kanilang Friendster account, at siyempre andun ka na lang din sa bahay ng kaibigan mong de-DSL mode, bakit hindi ka na lang makigamit? Kaya eto pa ang isang motto nung dalawang "superheroines";

 "Uy, wonderwoman, pabukas naman ako ng friendster ko," wika ni Batman.

At siyempre, maaari bang hindi sumingit si Superman? Bah, hindi ‘ata yun papatalo! "Uy, Batman, ako ang sunod ha!"

 At kapag ang tropa namin ay sa lungga naman namin tumatambay,  hindi ‘rin mawawala ang word na "pa-" para kayna Batman at Superman. Since kami ‘din ay may DSL, pero hindi nga lang kasing bilis ng kayna Wonderwoman, hindi pa ‘rin papaawat ang dalawa sa mga peyboritong motto nila.

"Uy, Chaz, pa-internet naman!"

 At ako, ang Diyosa ng blog na ito, ay walang magagawa kung hindi magpaubaya at bigyan ang gusto ng aking mga "kaibigan". At eto pa, ako pa ang nagpahiram kay Superman ng gown niya nung prom night namin, with matching alahas pa, oh san ka pa? At kung kay Batman naman, yung sapatos ko, hiniram niya. To tell you the truth, ang pangit ni Batman nung JS! Hindi match ang gown sa accessories, praaameeesss…

At kung in terms of academic things naman, inaasahan din ako ni Batman since kami ay magkaklase ever since nasa first year high-school ako. At ang motto?

 "Uy, Chaz, pa-tulong naman!"

Tulong gawa project. Tulong pasa quiz. Tulong sagot recitation. Tulong pasa sa teacher. At voila! WALANG REMEDIAL SI BATMAN!

At kapag relaxation na ang pinag-uusapan, hindi mawawala ang mga "pa-" words nina Batman at Superman. May mga oras din na tumatambay ‘din kami sa bahay nina  Bubbles, since malapit lang din naman ang bahay namin kayna Bubbles. Walking distance lang. Sina Bubbles ay kumpleto ‘din naman sa kagamitan. May PC, PSP, Magic Sing at in fairness, masasarap ang chibog at may air bed ka pa kung gusto mong ma-relax ang iyong mga muscles. Pero ‘yung ibang tropa (aba’y siyempre kasama na ‘din ako doon), nahihiya sa maders ni Bubbles kaya prim and proper lang ‘din kami kapag nasa kanila. Pero sina Batman at Superman, ang gagaspang talaga! At siyempre, since sina Bubbles ay may PSP, maririnig mo ang peyborit motto nina Batman at Superman.

"Uy, Bubbles, pa-laro naman sa PSP!" wika ni Superman.

At dahil noong mga oras na iyon ay pagod na pagod si Batman dahil sa lumalagablab na init sa labas, at dahil alam niya na may air bed sina Bubbles, maririnig mo ‘din ang motto niya.

"Uy, Bubbles, pa-higa naman sa air bed niyo!"

At gutom na gutom na ‘din noon sina Batman at Superman.

"Uy, Bubbles, pa-kain naman!"

Hay naku, Chazzel at ang iyong mga tropa. Hinga. Huminga lang kayo ng malalim. Oo nga’t, parehas silang galing sa broken family, pero abusado na sila. As of our vocabulary, we call them ‘USERS. LIARS. ABUSERS’. Tama lang naman iyon para sa kanila. Pagkatapos ng lahat ng naitulong niyo ng mga Justice League sa buhay nila, aba wapakels na lang sila? Kakapal ng mukha ng mga sisterettes na iyon.

Hay, Batman at Superman, TAPOS NA ANG MGA MALILIGAYANG ARAW NINYO DAHIL MAYROON ‘DIN KAMING SASABIHIN NG JUSTICE LEAGUE SA INYO:

"Uy Batman at Superman, pa-layo naman sa amin. Abusado na kayo eh."

 

Posted by chazzelislife at 10:14 pm | permalink | Comments Off

     

September 2010
M T W T F S S
« Apr    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Monthly Archives

Sponsored Links

About Me

Hi! I'm Chazzel Soriano, or call me 'Chaz' for short. I'm a simple 16-year old girl residing in Kawit, Cavite almost all my life. Writing is one of my passions [and visual arts is also included in that, you know] and I've been interested in it since--well, like, forever. I always idolized William Shakespeare, Bob Ong and the great Mindtwist team for producing such an experimental way of photography. I wish I could learn more about using the Adobe CS 2.0 for that matter. I am also a music fan--Well, I like bands. I like any genres except for hip-hop and those cheesy melodramatic pop songs. If you wanna know more about me [much as I wanna know more about you, too] then you can add me up in my friendster account: exday_211@yahoo.com.ph.

Recent Photo

Message Board

mackie javier:

ate, sigma k nb ?

chazzelislife:

I NEED FRIENDS. hehe. i’m kinda’ new here. XD

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼