HERE COMES BATMAN AT SUPERMAN AGAIN!
April 2, 2008Grabe ang araw na ito mga repapipz! Biruin mo ba naman, nagkaaminan na ang Tropang Hep_Hep (Hooray!) sa mga nagawa naming kasalanan sa isa’t-isa dahilan para maiwang baon na baon at lugmok sa kahirapan sina Batman at Superman. BUTI NGA SA KANILA.
Ang sama-sama talaga nina Batman at Superman. Tsktsktsk. Hindi ko akalain na nagpatuloy kami sa mga bahay namin ng mga Anaconda na katulad nila. Actually, sa amin lang naman talaga lumaki sina Batman at Superman kasi kung doon sila tatambay sa bahay ng isa’t isa, eh malamang wala silang makukuhang benefits. Walang Chibog. Walang Internet. Walang Magic Sing. Wala silang load. Wala lahat. Buti naman at nabuksan na namin ang mga mata ni Flash sa katotohanan. May gusto kasi si Flash kay Bubbles–at kalimitan, laging magkatext sina Flash at Bubbles. Close na close kasi silang dalawa. Siguro, sa kakaasar namin, doon nadevelop si Flash para sa feelings niya kay Bubbles. Si Superman, sa kadahilanang lagi siyang walang load, alam naman natin ang ugali niya na nakikitext sa kanyang tropa kapag unli. At dahil alam ni Superman na magkatext sina Flash at Bubbles, umandar na naman ang kademonyohan ni Superman. Pinasama niya ang karakter ni Bubbles. Pinalandi. Sabi ay gusto ng makipagusap ni Bubbles kay Flash at sabi ay magkita ‘daw sila sa park. Ahem, katunayan, hindi naman talaga ganun si Bubbles. Hindi siya ang gumagawa ng first move. Kaya eto namang si Flash, nadala sa emosyon at doon na nagtuloy ang usapan. Hindi niya alam na si lukaret na Superman na pala ang katext niya. How rude, di’ba? Kaya from that day on, napahiya si Flash kay Bubbles dahilan para hindi sila magpansinan ever! At isa pang kalokohan ni Superman, may ibinigay kasi si Storm na textmate kay Bubbles. Eh di’ba nga sa sobrang kakapalan ni Superman, lagi siyang nakikitext kay Bubbles? Ayon, nireplayan ni Superman yung textmate ni Bubbles at dahil nga sa sobrang kademonyohan ay kung anu-anu ang pinagsasasabi niya sa katextmate ni Bubbles dahilan para mapasama na naman si Bubbles. At how dare them na tawaging ‘mama’ ang maganda at baby face na mukha ni Bubbles? Eh samantalang kayna Bubbles sila nakikitext, nakikikain at nakikihiga sa mga times na wala silang mapuntahan? Ang gaspang, grabe!
At oo, talagang sasama ang tingin ninyo kayna Batman at Superman kung talagang malaman niyo kung anung klaseng tao ba talaga sila. Sinasabihan nina Batman at Superman na may body odor daw si Storm samantalang ang tunay na salarin kapag mapanghi ang hangin ay si Superman! Si Superman at wala ng iba! Tama! Napakabaho kasi talaga ng kilikili ni Superman at talagang napakabaho ng buhok niya. Grabe ang powers ng anghit ni Superman, mga tsong! Ibang klase! Kahit ‘ata deodorant eh, hindi effective. At ang kapal naman talaga ng mukha ni Superman na sabihan niya si Storm na traydor eh samantalang siya nga ‘yun, hindi ba? Hay naku, si Superman talaga, napakahilig mambaliktad.
At eto pa, dati kasi ay may gumawa sa amin ng kabalbalang Friendster account. Ang name ng account na ito ay orig. So, that means, may orig soriano (sa akin yun), may orig wonderwoman at may orig superman. Oo, pati si Superman ay ginawan ‘din ng account. At isang beses ay kausap ni Superman si Storm sa phone. At ang conversation nila ay ganito:
"Sa tingin mo, kung may gagawa sa tropa nun, sino kaya yun?" tanong ni Storm.
"Edi sino pa, tingin ko si Chazzel."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Kasi inggit siya sa akin kasi ako marami akong papa. At inggit siya kay Wonderwoman kasi maganda. At alam ko naman, sa sobrang talino niya gagawa siya ng mga bagay na hindi halata. Malulusutan niya yun."
At yun pala! Kaya pala napansin ko na medyo dumistansiya sa akin sina Wonderwoman, Storm at Bubbles ng dahil sa kagagawan ni Superman. Oh baka nga siya pa ang gumawa nun? Eh mahilig naman kasi siya mambaliktad, di’ba? Anung klaseng ugali mayroon si Superman?
At mapunta naman tayo kay Batman. It’s summer na hindi ba? At ang init-init talaga! Kaya ako, napagpasiyahan ko magsleeveless. At biruin mo ba naman itong si Batman, nainggit na naman sa porma ko palibhasa wala siyang pamporma dahil ang baduy-baduy ng mga sinusuot niyang damit. Kamusta naman yun? At kinocodename niya akong braso de mercedez, kasi kung bakit ang kapal ko daw eh nagsusuot pa ako ng ganoon. Haha! Kung makikita niyo lang siya kung gaano siya kabaduy. To tell you the truth, nagmumukha na siyang matanda sa mga porma niya. Akala mo kung sinung pagkaganda-ganda eh mukhang duling naman.
Hay naku, mga friends, saan ba naman kayo nakatagpo ng mga ‘kaibigan’ na katulad nina Batman at Superman? Only in the Philippines lang ‘yan! Kaya kung ako, magiingat na ako sa susunod na pakikipagkaibigan ko. At eto lang naman ang maimemensahe ko kayna Batman at Superman,
MAGHANAP KAYO NG MGA KAIBIGANG MAUUTO NINYO AT TIGNAN LANG NATIN KUNG MAY TATANGGAP PA AT MAGTITIYAGA SA UGALI NINYONG MAS MAITIM PA AT MAS MABAHO PA SA KANAL. PALIBHASA KASI DULING NA SAKANG SI BATMAN AT MAY BODY ODOR NA MALUPET SI SUPERMAN.
UY PATEXT, PATAWAG, PAHIGA, PATAMBAY, PAKAIN, PAMAGIC SING, PATULONG…[KAIBIGAN KA BA?]
April 1, 2008"Uy Wonderwoman, patext naman ako,"
Siyempre, anu pa ba ang magagawa ni Wonderwoman? Alam naman kasi nung dalawang ‘yun na kakaunli niya lang kaya hindi talaga makapalag ang aking kaibigan. Bigay ang cellphone, para tumigil na sa kakakawag. Sino lang ba ang mga tinetext? Mga boyfriend lang nila, o puwede mo na ‘din sabihin na kabit. Sa totoo lang, akala mo inosente de ti sina Batman at Superman pero may tinatago din palang kakaiba.
Marami ka naman kasi talagang magagawa ‘din sa bahay ni Wonderwoman, bukod pa sa pagtetext. Mabait ang mommy niya, masarap ang mga chibog na handa nila at ang ACER Laptop nila ay naka-DSL pa. Oh san ka pa, di’ba? Since etong sina Batman at Superman ay wala namang mga personal computers sa bahay at minsan lang talaga magbukas ng kanilang Friendster account, at siyempre andun ka na lang din sa bahay ng kaibigan mong de-DSL mode, bakit hindi ka na lang makigamit? Kaya eto pa ang isang motto nung dalawang "superheroines";
"Uy, wonderwoman, pabukas naman ako ng friendster ko," wika ni Batman.
At siyempre, maaari bang hindi sumingit si Superman? Bah, hindi ‘ata yun papatalo! "Uy, Batman, ako ang sunod ha!"
At kapag ang tropa namin ay sa lungga naman namin tumatambay, hindi ‘rin mawawala ang word na "pa-" para kayna Batman at Superman. Since kami ‘din ay may DSL, pero hindi nga lang kasing bilis ng kayna Wonderwoman, hindi pa ‘rin papaawat ang dalawa sa mga peyboritong motto nila.
"Uy, Chaz, pa-internet naman!"
At ako, ang Diyosa ng blog na ito, ay walang magagawa kung hindi magpaubaya at bigyan ang gusto ng aking mga "kaibigan". At eto pa, ako pa ang nagpahiram kay Superman ng gown niya nung prom night namin, with matching alahas pa, oh san ka pa? At kung kay Batman naman, yung sapatos ko, hiniram niya. To tell you the truth, ang pangit ni Batman nung JS! Hindi match ang gown sa accessories, praaameeesss…
At kung in terms of academic things naman, inaasahan din ako ni Batman since kami ay magkaklase ever since nasa first year high-school ako. At ang motto?
"Uy, Chaz, pa-tulong naman!"
Tulong gawa project. Tulong pasa quiz. Tulong sagot recitation. Tulong pasa sa teacher. At voila! WALANG REMEDIAL SI BATMAN!
At kapag relaxation na ang pinag-uusapan, hindi mawawala ang mga "pa-" words nina Batman at Superman. May mga oras din na tumatambay ‘din kami sa bahay nina Bubbles, since malapit lang din naman ang bahay namin kayna Bubbles. Walking distance lang. Sina Bubbles ay kumpleto ‘din naman sa kagamitan. May PC, PSP, Magic Sing at in fairness, masasarap ang chibog at may air bed ka pa kung gusto mong ma-relax ang iyong mga muscles. Pero ‘yung ibang tropa (aba’y siyempre kasama na ‘din ako doon), nahihiya sa maders ni Bubbles kaya prim and proper lang ‘din kami kapag nasa kanila. Pero sina Batman at Superman, ang gagaspang talaga! At siyempre, since sina Bubbles ay may PSP, maririnig mo ang peyborit motto nina Batman at Superman.
"Uy, Bubbles, pa-laro naman sa PSP!" wika ni Superman.
At dahil noong mga oras na iyon ay pagod na pagod si Batman dahil sa lumalagablab na init sa labas, at dahil alam niya na may air bed sina Bubbles, maririnig mo ‘din ang motto niya.
"Uy, Bubbles, pa-higa naman sa air bed niyo!"
At gutom na gutom na ‘din noon sina Batman at Superman.
"Uy, Bubbles, pa-kain naman!"
Hay naku, Chazzel at ang iyong mga tropa. Hinga. Huminga lang kayo ng malalim. Oo nga’t, parehas silang galing sa broken family, pero abusado na sila. As of our vocabulary, we call them ‘USERS. LIARS. ABUSERS’. Tama lang naman iyon para sa kanila. Pagkatapos ng lahat ng naitulong niyo ng mga Justice League sa buhay nila, aba wapakels na lang sila? Kakapal ng mukha ng mga sisterettes na iyon.
Hay, Batman at Superman, TAPOS NA ANG MGA MALILIGAYANG ARAW NINYO DAHIL MAYROON ‘DIN KAMING SASABIHIN NG JUSTICE LEAGUE SA INYO:
"Uy Batman at Superman, pa-layo naman sa amin. Abusado na kayo eh."


